Monday, December 15, 2008

Neo Encantadia; # 10 Kagubatan nang Lireo

Sakay nang Dragon'g si Ebener, agad na tumungo si Arman sa Kagubatan nang Lireo. ang kagubatang ito ay likas sa mga halamang gamot at ang mga pashneang nakatira dito ayhindi mapanganib. Noong nasa Encantadia pa ang Sanggre Danaya, dito ito madalas na namamalagidahilan na siguro nang pag-amo nang mga pashnea dito.Habang natatanaw ni Arman ang malagong kagubatan, isang pulong nang mga lumilipad na pashnea ang biglang sumahimpapawid at tinungo nito ang kanilang direksyon."marahil nandito sila upang tayo ay salubungin..." ang sambit ni Arman.lumapit ang mga ito sa kanilang distansya habang ang mga ito'y lumilipad.nagulat si Arman nang makita nyang kakaiba ang mga itsura nang mga pashneang inaakala nyangtutulong sa kanila. ang mga ito'y animoy kulay itim na ibon at inatake nang mga ito ang dragon at si Arman."pashnea! nangangagat sila!" sigaw ni Arman."Woooaarrrkkk!!" si Ebener.habang lumilipad si Ebener nang paikot-ikot ay binubugahan nito nang apoy ang mga kalaban.iwinawasiwas naman ni Arman ang kanyang espada sa mga ito."Ebener! bumaba tayo at pumasok sa kagubatan!" sambit agad ni Arman.Habang lumilipad ay bumulusok papasok nang kagubatan si ebener. mabilis namang naiiwasan nang dragon ang mga pasalubong na mga puno sa kanilang daraanan.habang mabilis na lumilipad ay nilingon ni arman ang mga sumusunod sa kanila.paglingon ni arman, napansin nyang lalo itong dumami at may kasama na ang mga itongiba pang klase nang pashnea'ng lumilipad."Ebener, kapag sinabi ko'ng lumipad ka ulit pahimpapawid ay gawin mo agad, at ang lugar na nasa iyong mga paa ay agad mo'ng sunugin!..." sambit ni Arman sa alaga nito.nang madaanan nila arman ang isang lugar kung saan ang mga puno ay kakaunti na at nasisinagan nang kalangitan, ay agad na sumigaw si arman at..."Ebener! ngayon na!"...matapos sambitin ito ni arman ay agad na lumipad himpapawid si ebener at nang nasa taas na ito ay agad nitong binugahan nang apoy ang lugar sa baba nang kanyang niliparan.isang malaking pagsabog ang naganap at nasaksihan pa nila ang pagkasunog nang mga pashneang kanina ay humahabol pa sa kanila, ang karamihan ay nagtalsikan habang ang iba naman ay pilit pa rin'g lumilipad bagamat sunog na ang mga pak-pak nang mga ito.nasa isip naman ni Arman na hindi na magtatagal ang mga ito. at patuloy nang lumipad angmga ito. nasaisip nya rin ang hindi inaasahang inasal nang mga pashnea at ang kakaibang itsura nang mga ito.isang palatandaan kung saan matatagpuan ang diwatang kanilang hinahanap ay ang malaking bato sa gitna nang kagubatan. nang ipasa nang Reyna Danaya ang kanyang trono kay Lira dito na sa lugar na ito piniling manatili nang sanggre kasama ang asawa nito'ng si Aquil. at dito na rin lumaki ang kanilang anak na lalaki na si Danquila. Nang pumunta na nang Devas ang mga magulang nito ay pinili ni Danquila na dito na lamang sa kagubatang ito manatili.lumaki itong malakas, matipuno at matapang, kasama nyang namumuhay ang mga mabubuting pashneang minsang inalagan at kaibigan nang kanyang ina. ilang beses na rin syang hinikayat nang Reyna Cassandrana sa lireo na lamang ito manirahan. ngunit, sinabi lang nito na gusto nitong sa kagubatan namanirahan dahil dito ay dama nya ang presensya nang kanyang mga magulang. at ipinangako din nito sa mga ito na aalagaan nya ang kagubatang ito na minsan ay inalagaan din nila.nang matanaw nila arman ang higanteng bato sa gitna nang kagubatan ay agad nitong inutusan na ditona bumaba si ebener.nang makababa ang mga ito, tanaw ni Arman ang dalawang lobo na naka-bantay sa harap nang bato.agad na lumapit at nag-wika si Arman. "hindi ko na ito patatagalin pa, ngunit ang sadya ko ay ang inyong pinunong si Danquila. higit namin'g kailangan ang kanyang kapangyarihan. kung maaari ay agad nya itong malaman dahil ang bawat oras ngayon ay mahalaga at nakasalalay dito an kaligtasan nang Encantadia..." salaysay ni arman.nagulat si Arman nang magsalita ang isa sa lobo."ikinalulungkot ko ngunit wala ang pinuno namin dito" ang lobo."huh? nasaan ito?..." tanong agad ni Arman."ang pinuno naming si Danquila ay nag-tungo sa Lireo upang tumulong sa nagaganap na labanan" ang sagot nang isa pa sa mga lobo."ah, sayang naman at hindi ko ito inabutan!" sambit ni Arman.matapos nitong magsalita ay inatake nya ang mga ito at..."mga pashnea! hindi nyo ako malilinlang!" sigaw ni Arman sa dalawa. matapos nya itong atakihinay nagsanib ang mga ito at nagwika..."haha-ha! magaling ka binata! ang isa sa mga natatangi namin'g katangiang mga Itim na Pashnea ayang kakayahang mag-salita! kaya hindi na kami naiiba sa inyong mga nilalang!" sambit nang mga ito.matapos magsalita at magsanib ay isinakatauhan nito ang isang malaking paniki, malaki ang mga ito nangkaunti kay ebener."anung!? mga itim na Pashnea?..." tanong ni ARman sa sarili.pag-tingin nyang muli sa mga kalaban ay papalapit ito sa kanya. at alisto namang agad na binugahan itonang apoy ni Ebener. at lumipad ito himpapawid."ah-haha, ang ganyang klase nang panlaban ay hindi tumatalab sa amin..." sigaw nang Itim na Pashneahabang ito ay nasa himpapawid at muli itong bumulusok pailalim nang kagubatan papunta kila arman.nang malapit na ang mga ito'y, dalawang lobo ang mabilis na umatake sa mga pak-pak nito. kinagat nang bawat isa ang mag-kabilang dulong parte nang halimaw.ang pasugod na direksyon nito kila arman ay nalihis at nilipad nang pashnea ang mga lobo sa kalangitan.patuloy pa rin sa pag-kagat ang mga ito habang ang pashnea ay nag-wawala at pilit na ikinakampay angmga pak-pak nito umaasang matatanggal nito ang mga kaaway.habang paikot-ikot ang mga ito ay pinasugod ni Arman si Ebener upang tulungan ang mga lobo. tinangka nang pashnea na lumipad paibaba, at nang ito ay kanyang gawin, mula sa itaas nang higanteng bato ay isang tinig ang narinig ni arman.nang tanawin nya ito. isang nilalang ang lumundag paibaba sa bato na may hawak na sibat at puntirya nito ang kabababa lang na Pashnea. hinigit kaagat nang mga lobo palayo ang pak-pak nang pashneaupang pansamantala itong hindi maka-lipad nang maayos at para mapuntirya nang kanilang amo ang pashnea.nang pabagsak na ang nilalang ay umalis sa pag-kakakagat ang mga lobo at bumagsak si Danquila salikod nangpashnea. isang iglap lang ay madali nitong itinarak ang sibat sa likod nang pashnea at..."ahhh-hhh!!!" sigaw nang itim na pashnea habang ito ay nag-lalaho...mabilis na sinalo nang isa sa mga lobo ang pababa nilang amo at maayos nitong ibinaba ang huli.lumapit ang dalawang lobo kay Danquila habang ito naman ay papalapit kay Arman. mangha pa rin si Arman sa kanyang mga nasaksihan a hindi agad ito naka-pasgsalita."Arman, kilala na kita. at alam ko na rin ang mga nangyayari. ikinalulugod ko'ng tulungan at sumapi sa inyosa pagtatanggol sa Encantadia." si Danquila."ikinagagalak ko iyang marinig...ngunit ano ang nangyari dito Danquila?" tanong ni Arman."kilala ang gubat na ito sa lireo sa paglalaman nang mga mabubuting pashnea, ang iyong nasaksihan ay ikinagulatmo marahil, ang mga iyan ay bigla nalang lumitaw dito sa kagubatan at halos lipulin nila ang karamihan sa mga pashnea dito...kagulat-gulat din ngunit ang mga ito ay may kakayahang magsalita..." si Danquila."inaalam namin kung sino ang higit na may kagagawan nang mga ito, at inaanyayahan kita upang tayo'y mag-tungo sa Sapiro,...ang lireo ay tinangka nilang wasakin at nag-tagumpay na sila sa adamya...ayaw na natin'g madagdagan pa ang mga ito..." si Arman."hindi ko na rin gusto ang aking nasasaksihan, ang kagubatan ay unti-unti anng natutuyo at ang iba sa mga mabubuting pashnea ay nanghihina na, kasama na dito ang mga maliliit na diwata.unti-unti na rin'g napupuno nang mga ganyang klase nang pashnea ang buong kagubatan kaya hindi na ito ligtas...alam ko'ng higit na tayong kinakailan kaya ano man'g orasay sasama na ako sa iyo." si Danquila.Tumango lang si Arman at agad na itong sumakay kay Ebener, sumakay na rin dito si Danquila at ang dalawa nitong alaganglobo. agad na ikinampay ni Ebener ang kanyang mga pak-pak at unti-unti na silang naka-alis sa kagubatan. matatanaw na unti-unting nag-babago ang kulay nang buong kagubatan. ang berde nitong kulay ay unti-unti na rin'g napapalitannang kulay abo.


Chapter End's Here...^_^Salamat sa lahat ng mga bumabasa...

Ivo Live Encantadia!May you drop by some comments to keep this Blog active. Comments,

Suggestions and Critisism's are highly appreciated. ^_^ Thank's a lot.

No comments: