Wednesday, December 3, 2008

Neo Encantadia; # 9 Malawakang Paghahanda

Madaling pinuntahan ni Ybarro, Cassandra at Arman ang pinanggagalingan nang sigaw nang dragon ni Arman.dali-dali sila ditong tumungo hanggang sa sapitin nila ang Hilagang bahagi nang kaharian... malayo pa lamang sila ay tanaw na nila ang lugar, at ang lugar kung saan ang dambana nangSanggre Amihan ay matatagpuan. habang papalapit ang talo ay lalong lumalakas ang sigaw nang dragonni Arman at sa lugar na kanilang tanaw ay pabugso-bugso ang apoy na tingin nila'y sa dragon nanggagaling.
nang makarating na ang tatlo sa Dambana ay nasaksihan nila ang galit nang Dragon sa isang di kilalag babae.halos masunog na ang mahaba nitong buhok at ang dragon naman ni Arman ay puro galos ang katawan na marahil ay dahil sa atake nang babae...patuloy pa rin sa pag-buga nang apoy ang dragon laban sa babae.
"Pashnea! magbabayad ka!!!!" sigaw nang babae at itinuro nito ang dragon, mula sa mga daliri nito ay nag-labasanang napaka-raming abo at nang makita ito nang dragon ay mabilis din itong umatake at bumuga ulit nang apoy...NBagamat nakakailag nang bahagya si Himeros ay naapektuhan pa din ito nang apoy. at ang dragon din ay tinatamaan nang mga abo nito kahit pa patuloy ang pag-buga nya nang apoy dahilan para mag-kagalos ito...
Sa nakita ay agad na tumulong ang tatlo sa dragon...
"Hangin!! ngayon! " sigaw ni Cassandra...at mabilis na naglabasan sa kanilang presensya ang napaka-lakas na mgabuhawi. pinuntirya nito si Himeros.
at si Ybarro at Arman naman ay sumugod at umatake kay Himeros...nawalan ito nang balanse dahilan upang tangayin din ito nang kapangyarihan ni Cassandra. "whooooaaahhhhhhh!!! magbabayad kayong lahat sa amin! hindi ko ito mapapalagpas...abangan nyo mula sa mga kamay namin ang inyong katapusan!!!!"matapos magsalita ni Himeros matapos itong tangayin nang hangin ni cassandra at naglaho nalang itong bigla...
Matapos nito ay agad na nilapitan ni Arman ang kanyang Dragon at...
"Ebener?...ayos ka lang ba?...tanong nito sa alaga habang hinihimas ang balat nito. mapapansin na napuruhan din ang dragon base sa mga galos na natamo nito.
"Oannggggg!!!" sigaw naman ni Ebener.
"Arman, hayaan mo'ng gamutin ko ang kanyan mga galos..." si Cassandra.
"Irdeo!!" sigaw ni Ybarro...lumakad agad ito sa likod nang dragon at nakita nito si Irdeo, ngunit ito ay taong bato na..."mga wala talaga silang Puso!!!" dagdag pa ni Ybarro!
Lumapit agad si Arman sa Batong si Irdeo at nagwika..."marahil ama, sila din ang may kagagawan sa nangyari sa rebulto nang mahal na Sanggre Amihan. "ipaghihiganti namin ang nangyari sa'yo Irdeo at asahan mo na agad din ay maibabalik ka namin sa iyong tunay na katauhan..." wika ni Arman.
habang ginagamitan ni cassandra nang Kapangyarihan ang sugatang dragon ni Arman ay nag-salita ito...
"Bilang reyna nang Encantadia,...Arman at Ylo. naghahayag ako nang digmaan laban sa ating mga kalaban...marami na angnamatay at napinsala...at ayoko nang madagdagan pa ito. ama, kung maaari ay mag-tungo na agad tayo sa sapiro dahil angkaligtasan nito ay hindi na rin natin natitiyak.. at nang sa gayon ay matulungan din natin ang aking kapawa sanggre na si Reyna Armea...Arman...Kung maaari ay hanapin mo kaagad sa Silangang kagubatan si Danquila...ang anak ni Sanggre Danaya at nang pinunong kawal na si Aquil na naninirahan sa kagubatang iyon...higit syang makatutulong sa atin at tiyak ko'ng maibabalik nya sa dati si Irdeo, ang mga rebulto at pati na rin si Wantuk...kailangan na nating kumilos dahil nasa kamay nating lahat ang kapalaran nang Encantadia..." si Cassandra.
Sumang-ayon si Ybarro at Arman at mabilis nang nag-sikilos ang mga ito...
Si Ybarro at Cassandra ay umalis na agad nang kaharian para pumunta sa Sapiro, si Arman naman sakay nang kanyang dragon ay bumalik sa Solian upang kunin ang katawan ni Wantuk at matapos nito'y ipinuwestonya ito katabi ang naging batong katawan ni Irdeo sa Lireo at saka na ito tumungo sa kagubatan nang Lireo upang hanapin ang kanyang pakay...

Samantala sa Kaharian ni Arkadya sa Heliades...
nakaupo si Arkadya sa trono nito sa gitna at sa sampung bato na naka-paikot dito ay nakaupo na ang pito sa walong mga pinunong Pantom...
"ano na ang nangyari?..." tanong ni Arkadya sa pito...
"ako po panginoong Arkadya!...eto na po ang brilyante nang hangin..." si Mana. at pinakawalan nito mula sa kanyang mga kamay ang brilyante nang hangin...at kusa itong pumunta sa mga kamay ni Arkadya...
"hahaha! makukumpleto na!..." Si Eynes.
"huwag kang maingay Eynes, hindi yan nararapat na asal sa harap nang ating panginoon..." sagot ni Narcota sa reaksyon ni Eynes.
"eto naman po ang sa akin, aking panginoon...ang brilyante nang Apoy" si kalea...pinakawalan din nito mula sa kamay ang brilyante at kusa din itong pumunta sa mga kamay ni Arkadya...
"panginoon, kami po ni Lette ay matagumpay nang napakawalan ang mga mapanganib na pashnea sa kwebe nang hathoria..." si Alondea.
"at inihahanda na rin po namin ang mga itim na pashnea para dalhin sa Encantadia..." si Lette.
"Ang Adamya po ay hindi na mababakas sa buong Encantadia at ginawa ko na po'ng mas malamig pa sa nyebe..." si Narcota.
"magaling ang lahat!, ngayon'g nasa akin na ang lahat nang brilyante...isa-isa na nating maisasakatuparan ang ating mga balak...nasaan ang iba pa..." matapos sabihin ito ni arkadya ay biglang lumitaw sa kani-kanilang pwesto si Himeros at Alcides... ang mga ito'y sugatan..."patawad po pinuno at nahuli kami nang dating..." si Alcides.
"at mukhang ang inyong presensya ay hindi rin angkop sa ating pag-titipon...mukhang nahirapan kayong dalawa sa mga kalaban...hindi ko yan inaasahan sa inyong dalawa..haha..." sabat ni Gurna.
"manahimik ka, Dama~!" sigaw ni Himeros at " Taga-pagsilbi!" sigaw din ni Alcides.
nang magsagutan ang mga ito ay kumidlat sa pagitan nila at...
"magsitahimik kayo!!!" sigaw ni Arkadya..."Himeros, Alcides... ano ang nangyari sa inyo?" si Arkadya muli.
"Paumanhin po panginoon ngunit nagawa man naming kitlin ang karamihan sa populasyon nang Lireo ay natamo pa rin namin ang galos na ito...hindi na po mauulit panginoon...." nanginginig na wika ni Himeros.
"asahan nyo po'ng hindi na ito mauulit aming panginoon..." si Alcides.
"nasa ating mga kamay na ang mga brilyante kaya wala na tayong higit pa'ng dapat na ipag-alala. sasusunod ay ingatan ninyo ang inyong mga sarili..." Si Arkadya..."nasaan na si Io...?" dagdag pa nito.

Chapter End's Here...

Salamat po....^_^

May you leave some comment'/s to keep this Blog active...thank's everyone. ^_^

No comments: