Tuesday, November 25, 2008

Neo Encantadia; # 8 Imahe

Tangan ni Irdeo ang bata'ng adamyan at nag-mamadali itong pumunta sa Timog na bahagi nangkaharian kung saan naka-tirik ang rebulto nang dakilang Sanggre Amihan.nang makarating sya sa timog na bahagi, nakita nitong bukas ang pinto nang dambana nang Sanggre gaya din nang sa iba. nasa pinto pa lamang sya ay tanaw na nya ang rebulto nito,lumuhod sya at ihinaga nito ang bata malapit sa pinto at saka nya unting-unting nilapitan ang rebulto. hindi nya matugon ang kanyang nararamdaman dahil sa ang rebulto nang sanggre ay nanatiling maayos. ang kulay asul nitong katawan ay kanya'ng nasisilayan. hinawakan nya ang mga paa nito atnadama nya ang presensya nang sanggre. nabigkas nya na lamang na..."Mahal na Sanggre Amihan, Sanggre Danaya, Sanggre Alena at Sanggre Pirena...tulungan nyo kami..." si Irdeo. at binalak na ni Irdeo na lapitan ang bata'ng kanyang ihiniga sa pinto nang gusali, lumuhod na ito sa rebulto at saka na tumalikod.Ngunit..."ikinalulungkot ko nilalang, ngunit hindi na mapipigilan pa ang pag-kawasak nang mahal mo'ng lupain..."nilingon nya ang rebulto at nakita nitong animo'y bumubuka ang bibig nang rebulto..."Si-sino Ka?! mag-pakilala ka, huwag mo'ng gamitin ang imahe nang mahal naSanggre sa iyong kapalaluan!" sigaw nito habang patingin-tingin sa paligid.
Gumagalaw ang bibig nang rebulto at dito nang-gagaling ang tinig na kanyang naririnig...at mula sa rebulto nangSanggre ay lumabas ang isang nilalang..
isang babae na may napaka-habang itim na buhok na animo'y binalutan nang nyebe ang katawan dahil sa maputlang kulay nangbalat nito. suot nito ang isang baluti na animo'y nahahawig sa kasuotan nang isang etheryan.May kulay abong usok ang patuloy na lumalabas sa kanyang katawan.
"ako si Himeros, nilalang...isa sa pantom nang mahal na Arkadya." Si Himeros nang ito ay lumabas sa rebulto, at itinaas nito ang kanyang kaliwang kamay at nag-wika ulit...
"Mula sa lupain nang Heliades, lapatan mo nang iyong kapangyarihan ang aking hinahawakan...ngayon!...sambit nito.
hinawakan nya ang rebulto habang nakatalikod sya dito at naka-harap kay Irdeo. matapos nya itong hawakan ayunti-unting naging bato ang rebulto ng sanggre at unti-unting nawala ang liwanag na kanina'y meron dito.
"ikaw pala ang sanhi at may kagagawan sa pagiging bato nang ibang kawal at nang mga rebulto!...hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! mag-babayad ka!" pasugod na umatake si Irdeo at hinugot nito ang sandata sa likod nya at inatake nito ang kalaban...nagawa nyang hatiin ang kaaway sa dalawa...napulbos itongparang buhangin at ito'y sumama sa hangin...at inilagay nito'ng muli ang sandata sa lalagyanan nito...nilapitan nya ulit ang rebulto at tinitigan ito. lingid sa kaalaman nyang papalapit nang muli ang kaninang nilalang na hinati nya.bahagyang itinaas nang kalaban ang kanang kamay nito at dito'y umaapaw ang mga abo... at "mamatay ka!" sigaw ni Himeros habang ilalapat ang kamay nito sa likod ni Irdeo.naka-iwas pa rin si Irdeo ngunit nadaplisan sya nang kaunti sa abo nito...pinagpag nya ang abo, ngunit hindi ito nawawala.at napansin nyang pati ang mga kamay nya ay kinakalatan na rin nang abo at animo'y naninigas...at madali nyang tinanggalang kanyang kapa at...
"huli na para dyan mandirigma...alam mo ba na ang abo'ng nilalabas nang aking katawan ay ang lupa mula sa mundo nangHeliades...at kaming mga taga-heliades lang ang tanging hindi nakakaranas nang masama nitong epekto dahil sa kami ay pumanaw na...kaya masama ang epekto nito sa mga taong ganap pa'ng nabubuhay.. at kahit anong gawin mo ay patuloy pa rin'g kakalatang abo sa katawan mo!...ngayon ay magiging taong bato ka na rin katulad nang mga sinasamba nyong mga rebulto,isa lang ang pinag-kaiba mo sa kanila, buhay ka'ng magiging bato at mamamatay...". si Himeros.
Hindi alam ni Irdeo ang gagawin, at papunta sa direksyon nya si Himeros nang nag-lalakad.
Lumabas na nang bulwagan nang kaharian nang Lireo sina Cassandra at Ybarro...pag-labas nila dito ay nasaksihan nilang nakikipaglaban si Arman sa isang nilalang.
"ano mandirigma, hindi mo ba kaya ang wala pa sa aking buong kapangyarihan!.." si Alsides.
"Sheda!!.." galit na sambit ni Arman. at halata dito ang matindi nyang pagod... dahilan nang sa sobrang bilis nang mga galaw nang kalaban...walang masyadong matinding galos si Arman dahil nasasalag naman nito ang atake nang kalaban...
"Arman!..." sigaw ni Ybarro. at pasugod itong pumunta sa kalaban ni Arman...at tinulungan nya ang huli sa pakikipaglaban sa babaengunit ni isa man'g tama ay hindi nila dito magawa...
"kahit sampu pa kayong sabay-sabay na sumalakay sa akin ay wala kayong magagawa...a-hahahaha!" sambit ni Alcides habang umiiwas at tilamas bumilis pa kaysa kanina.
"....Ngayon na!!!" sigaw ni Cassandra na kanina pa sumasambit nang kanyang orasyon...matapos nito ay nagdatingan ang malalaking buhawina tanging si Alcides lang ang tinungo at...
"whooaaa-aaaaa!!! Aaaa-whoaaaa!! aaa-Pashnea ka!!!!" sigaw ni himeros...nang tinamaan sya nang buhawi ay itinarak nya ang karit sa lupa dahilan upanghindi ito liparin...hindi maipinta ang itsura nito at unti-unti iitong nag-kakaroon nang galos sa katawan, dulot nang buhawi...
"may araw ka rin sa akin, diwatttaaaa!!!! ako mismo ang papatay sayoo'!!!" matapos itong sambitin ni Alcides ay hinugot nito ang karit at tumilapon ito himpapawid na sya namang unti-unting naglaho...
"ayos lang po ba kayo...?" si Cassandra nang lumapit kay Ybarro at kay Arman.
"ayos lang kami Cassandra..." sagot ni Arman. "sino ang mga yun Arman?" agad na tanung ni Ybarro dito...
Nang sasagot na si Arman ay...
"wooooaaaarrrkkkkkk!!!!" isang tinig ang kanilang narinig mula sa himpapawid, isang tinig na animo'y nag-ngangalit...
"Ama, tinig yun nang alaga ko'ng dragon! si Ebener!..." Gulantang na sabi ni Arman.


Chapter End's Here...

^_^Salamat sa lahat ng mga bumabasa...Ivo Live Encantadia!May you drop by some comments to keep this Blog active. Comments, Suggestions and Critisism's are highly appreciated. ^_^ Thank's a lot.

No comments: