Nabalot ng dilim ang buong kalangitan...ang lahat ng nilalang sa lupain nang Adamya ay tahasang nag-silikas sa kinagaganapan nang gulo. Ngunit, hindi nila inaasahan ang magaganap na kaguluhan kaya ang makatakasay mahirap na para magawa pa nila...
"Mga Zikel!! ubusin ang lahat ng mga Adamyan at balutin ang buo nilang katauhan ng walang hanggang lamig hanggang sa sila'y mamatay! Aha-haha-haha!"
Nag-silabasan ang isang lipon nang mga animo'y higanteng paniki na ang katauhan ay binabalot ng yelo, na ang bawat bagay na tamaan nang kanilang hininga ay naninigas at nagiging yelo at...
Isang bata'ng adamyan ang umiiyak dahil ang kaniyang ina ay tinamaan ng hininga ng mga Zikel at...
"huwwaaahhh! ina ko!" sigaw ng bata...
at madali itong kumuha ng isang sanga sa malamig nang lupain ng Adamya at...
"ikaw halimaw! labanan mo ako, papatayin kita!!!" sigaw nito sa isang Zikel...
Napansin sya ng namuno sa mga Zikel, na sa panahong yun ay nag-sasasayaw ng paikot-ikot habangdinudurog ang mga Adamyang naging yelo gamit ang kanyang baton.
at lumipad ito papalapit sa bata...
"at ano ang pinag-mamando mo batang adamyan..." si Narcota. "ang adamya ay isa sa pinaka-mahihinang kaharian dito sa Encantadia, kaya ang tapusin kayo ay hindi mahirap na bagay para saaming mga Pantom..." dagdag pa nito.
"Lagot kayo, kay Pinunong Imaw,..huhu...lalabanan kayo nun!" Katwiran ng bata."A-ha-ha, si Imaw, paano naman lalaban ang isang Mahinang Adamyan'g naging yelo na..Haha!" Sambit nito na tila nang-aasar.
Tumulo ang luha sa mga mata ng bata at bigla nitong ibinato ang sanga ng puno sa mukha ng huli...Iwinasiwas lang ni Narcota ang baton nito at nang tamaan nito ang sanga ay naging isang malamig na kahoy na lang ito...
"Haha-haha-haha! at anu ang magagawa ng isang sanga sa katulad ko'ng isang Pantom...o' baka naman gusto na ng bata ng sumama sa mga bathala sa Devas?..." Malambing na sabi nito. at iwinasiwas nitoang Baton nya at nag-simulang magsalita " O' Kagalang-galangan'g batha....
Nanginginig ang bata at hindi pa tapos sa pag-samo nang kapangyarihan si Narcota nang biglang...
"Mamatay ka, Halingtulad kay Ether!" sigaw ng isang di kilalang nilalang at pinakawalan nito ang isang palaso at pinatamaan ang kalaban...
"Anung..." tanong ni Narcota.
at nadaplisan ng palaso ang mukha nang huli.
"PAASSHHHNNNEEEAAAAA KA!" sigaw nito. " Hindi ko mapapatawad ang kalapastanganang mong ginawa sa mukha ko!! hindi ko itopalalampasin at sisiguraduhin ko'ng mamamatay ka at ako ang gagawa nito!!! itinaas nito ang kaniyangbaton habang hawak ang may gasgas na kanang pisngi.at ito itinutok sa tao na nasa itaas ng nag-yelong puno.at napansin nyang wala na ang bata sa harap nya at nang tumingin ulit sya sa puno aynakita nya na tumatakas na ang di nya kilalang nilalang kasama ang bata...
"Mga Zikel!!! Habulin sila at huwag hayaang maka-takkaaaassss!!!!" Pasigaw na sabi ni Narcota, habang nagwawala ito.
Nag-liparan ang Lipon ng mga Zikel patungo sa kanila...
"Asar!" ang sabi nang di kilalang nilalang. tiningnan nya ang bata at nakitang hinimatay ito. at nasambit nya na lang na "Mabuti!"
Habang siya'y tumatakbo papalayo at hawak nya ang bata sa kanyang kaliwang kamay ay inilabas nito ang isang baton at sumambit ng isang Tsanto...
"O' mahal na Bathalang Emre, sinasamo kita at ako'y pahiramin ng kaunti sa iyong kapangyarihan at ako ay tulungan!...Kalasag!" ang sambit nito at ang mga nag-yelong puno sa likod nya ay mabilis na nag-dikit-dikit at nag-sara...
"Salamat, bathala...Pansamantala lang ito at kailangan ko nang mag-madali...Adamyan, malapit na tayo sa Lireo, at inaasahan ko'ng hindi pa ito nasasakop...Pinunong Imaw, Ipag-hihiganti ka namin...". at nagmadali na ito'ng manakbo habang tumutulo ang mga luha sa mata nito...
"Mga Pashnea! isa lang na Adamyan na tumatakbo natakasan pa kayo!!! mga walang silbi!!! Ngayon ay babalik tayo sakaharian at ibabalita ko ito kay kamahalan...tutal, nasira ko na rin naman ang Adamya at natitiyak ko'ng wala na itong buhay..at kung sino ka amn'g nilalang ka...ako mismo ang tatapos sa'yo sa ginawa mo sa mukha ko...Mag-babayad ka!!!!" Pag-wawala ni Narcota.
ang mga halimaw na pinaka-walan nya ay kusang pumasok sa bato nang kanyang baton at matapos nito ay lumipad na ito pa-himpapawid.
Naiwan ang Adayan'g malamig at wala nang buhay. isa na lamang ito'ng malamig na lupain at ang dati'ng sigla nito ay hindi na mababakas.
Chapter End's...^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment