Friday, November 14, 2008

Neo Encantadia; # 6 Simula nang Digmaan

"Panginoong Arkadya, nakuha ko na po ang Brilyante nang Tubig nang walang kahirap-hirap" Si Gurna habang papunta sa trono nang kausap habang ipinagyayabang ang nakuha nitong brilyante na nasa kanyang palad.
"magaling Gurna, aking tapat na alagad" si arkadya. tumayo ito at kinuha ang brilyante sa kamay ni Gurna, agad naman itong ibinigay nanghuli.
"nasaan na ang tatlo pa sa mga brilyante?" tanong ni Arkadya.
biglang lumitaw ang isa sa mga alagad ni arkadya at...
"panginoon, huwag nang mag-alala at kakuha ko na ang brilyante ng lupa gaya nang inyong nais...ngunit panginoon, ang taga-pag-bantay nitoay hindi ko nakitlan nang buhay, ah'...sa susunod po'ng mag-harap kami ay s-sigurado na ang kanyang kamatayn panginoon..." si Eynes atdali-dali'ng nitong iniabot ang brilyante sa pinuno. agad din itong tinanggap nang huli.
"Huwag ka nang mag-alala at tiyak na nalalapit na rin naman ang katapusan nang lahat...maasahan kayong talaga... nasaan na ang dalawa pa'ng brilyante at ang iba pa'ng mga kasama nyong Pantom?...Gurna?" Tanong ni Arkadya.
"panginoon'g Arkadya, nakuha na rin po ni Mana ang brilyante nang Hangin at ang Brilyante nang Apoy ay nasa kamay na ni Kalea...ang iba sa aming mga Pantom ay Kumalat na sa buong Encantadia upang sirain na ang ibang kaharian at nang atin na po'ng masakop...si Narcota at ang kanyang mga Zikel ay nag-tungo na para sirain ang Adamya, si Io ay nagtungo na po sa Sapiro, pinaka-walan na po nilaLette at Alondea ang ang mga mapanganib na Pashnea sa Yungib ng Hathoria. at sina Himeros at Alcides naman po ang bahala at wawasak na sa Lireo...ngayon pa lamang ay binabati ko na kayo panginoon sa ating tagumpay!..." Salaysay ni Gurna nang may halong galak. "simula na ito nang ating pag-hihiganti panginoon, sa pag-papahirap na kanilang ginawa sa atin." Dagdag pa ni Gurna.
"huwag kayong mag-alala at malapit na ang pag-sakop nang Buong Heliades sa Buong Encantadia...at lahat na nang ating mga balak ay maisa-katutuparan na...pati ang Buong Devas ay luluhod sa ating mga harapan atmalalaman nila kung sino ang mas tunay na maka-pangyarihan...hahahaha-hahaaahh!" si Arkadya na ang boses ay umalingaw-ngaw sa bawat sulok nang Kaharian sa Heliades.
***********************************
Ang Heliades ay isang lugar na may itim na lupa at ito'y napapalibutan nang napakaraming itim na Bundok.mayroon din'g mga halaman at puno sa Heliades ngunit lahat nang ito ay Kulay Itim.
mayroong napakalaking madilim na butas ang Heliades na pinamumugaran nang mga Itim na Pashnea. Ito ang mga tawag sa mga namayapa nang pashnea. Matutukoy ang mga Itim na Pashnea sa Karaniwang Pashnea sa kadahilanang ang mga ito ay ubod nang laki. Ang isang namatay na pashnea ay pumupunta sa Heliades at dito nila nakakamit ang kanilang mala-higanteng kaanyuan.
Ang kaharian'g tinayo ni Arkadya ay nasa pinaka-dulong bahagi nang lupain nang Heliades. Isa itong kweba na sinimulan nyang tirhansimula nang sya ay unang maka-rating sa Heliades. Ngayon ay nag-lalaman na ito nang mga sandata at mga bagay na sa Heliadeslang matatagpuan.
ang kaharian ni Arkadya ay Binansagan nyang Helyo. madilim ang buong lugar na ito ngunit sa daan ay gabay ka lamang nang mga sulo'ng na may mahinang liwanag. ang mga liwanag na hawak nang sulo ay makukuha lamang sa tuwing kumikidlat. sa pinaka-gitnang bahagi nang kaharianay matatagpuan ang mataas na trono ni arkadya, at paikot sa trono nito ang sampung higanteng bato na kung saan ay pinepwestuhan nang sampung mga Pinunong Pantom nito. si Gurna ay dito tumuloy nang sya ay mamatay sa mga kamay ni Pirena nang gawin sya nitong taong bato.Si Avria, Juvila, Andora at ang ibang mga Etherian ay dito rin napunta. Tinangkang agawin ni Avria sa Heliades ang trono mula kay arkadya ngunit hindi ito nag-tagumpay at napatay lang sila nang huli. ang iba ay wala nang nagawa at sumapi nalang sa aklasan.
sa taas nang kisame kadikit ang trono ni Arkadya sa gitna, ay matatagpuan ang buto nang isang higanteng itim na pashnea na una nitong napaslang.dito nya rin unang natuklasan na ang pag-kitil sa buhay nang isang Itim na Pashnea ay maka-pagbibigay sa kanya nang sapat na kapangyarihan upang maka-patay pa nang isang halimaw. ang pag-kitil din sa buhay nang mga itim na pashneang ito ay nag-bibigay din sa kanya nangmga kakayahan nang halimaw na kanyang napatay. patuloy nya itong ginawa sa loob nang pananatili nya sa Heliades.
ang mga Pantom ay dito na rin naninirahan.isa itong grupo na binuo ni Arkadya upang pag-handaan ang malawakang pag-aaklas sa Encantadia. Ang nilalang na magsimulang mag-bago at mag-sisisa kanyang mga kasalanan ay nag-liliwanag at kusa na lang na nawawala at ito ay napupunta na nang Devas.nang malaman ito ni Arkadya ay pilit nitong pinapaslang ang mga taong hindi sasapi sa kanilang plano. ang taong rin'g mamatay sa Heliades ay nag-kakamit pa rin nang buhay ngunit sila ay haling tulad nalang sa isang nilalang na walang espirito. kapag nangyari ito sa isangnilalang na nasa heliades at ito'y nagtataglay nang mabuti'ng intensyon ay sa Devas pa rin ang tuloy. may mga nilalang na may maitim na budhiat sila ay mananatili pa rin'g kagaya nang isang patay sa Heliades.
Madilim sa Heliades ngunit magagawa mo paring makita ang buong paligid dahil sa mayroon itong tatlong buwan.at nakakamit nito ang sapat na liwanag sa tuwing kumikidlat na may kasamang kulog lamang. malamig ang Klima sa Heliades at ang lahat ay tuyo.marami di'ng naka-lalasong bagay ang narito. ang karamdamang makukuha mo dito ay pang-habang buhay mo'ng dadalin sa Heliades.
Isang Dimensyong ginawa ni Emre ang Heliades, ngunit sa tagal nang panahon ay natutunang hanapin nila Arkadya ang daan patungong Encantadia.
sa pinaka-taas na bahagi nang heliades ay matatagpuan ang Encantadia, ngunit naka-baligtad ito. ang pag-daan dito ay hindi basta-basta dahil ang tahasangpag-pasok o pag-diretso dito ay mag-dudulot nang kamatayan. nalaman nang mga Pantom na ang pag-papatama nang Kidlat mula sa Heliades ay nag-dudulotnang pag-hina nang kapangyarihan nang lagusan. patuloy nila itong ginawa hanggang sa mapasok na nila ang Encantadia. Mayroong din mga elementosa Heliades na natuklasan nang mga ito sa lupain. isa dito ang elemento na tinawag ni Arkadya na Kadiliman, inilagay nya ang pinaka sanhi nang elemento sa isang bato dahilan nang pagiging makapangyarihan nang isang karaniwang bato. ang Kadiliman ang sanhi nang pag-dilim nang Heliades. kapangyarihan nito ang kumuha nang lakas sa isang nilalang na abutin nito. Elemento nang Yelo ang isa pa dito, dahilan sa malamig na klima nang Heliades. Elemento nang Kidlat na pansamantalang nag-bibigay liwanag sa Heliades.at ang huli ay ang Elemento nang Pagsasamo na syang dahilan nang pag-sunod nang mga itim na Pashnea sa kanya. Una itong lumabas nang kitilin ni Arkadya ang karamihan sa mga nilalang nang Heliades na sumuway sa kanyang utos. nag-anyo ang elemento na animoy usok at inilagay din ito ni Arkadya sa isang bato. nang gamitin nya ito ay nag-lapitan ang mga Itim na pashnea kasama ang pag-sunod sa bawat utos ni Arkadya.
"Ama, napaka-rami nila...pag-nagpatuloy pa ito ay..." si Arman habang nakikipag-laban sa mga Pashnea.
"Kailangan nating puntahan ang sanhi nang mga ito...pupunta ako sa bulwagan nang Lireo at aalamin kung ayosdin si Cassandra...kaya mo na yan anak'..." si Ybarro habang iwinawasiwas ang espada nito sa mga pashneang umaatake sa kanila habang sya ay patakbo.
"Irdeo, Puntahan mo ang mga rebulto nang Apat na mahal na Sanggre...Mag-ingat kayong dalawa...inaasahan tayo nang buong Encantadia" dagdag pa ni Ybarro.
"maaasahan mo ako, aking amang hari...mag-iingat kayo...ikaw din irdeo..." sagot ni Arman, habang patuloy sa pakiki-digma.
"mag-iingat kayo, Haring Ybarro...Ikaw din Arman" si Irdeo habang papaalis na rin at papunta sa gilid nang kaharian habang nakiki-paglaban.
Patuloy din ang mga kawal sa pakiki-paglaban sa mga Pashnea at ang isa ay nag-sabing...
"Haring Arman, haring Ybarro...nag-padala na rin po kami nang mga dagdag na kawal sa Sapiro...inaatake din po ito ngayon..." sambit nang isang diwatang kawal na nakiki-paglaban.
"salamat, maaasahan talaga kayo..." ang sambit ni Arman at nang may pag-aalala sa isip. at patuloy nitong nilabanan ang mga pashnea hanggang sa papasok na sya sa harapan ng loob nang kaharian.


Chapter End's Here... ^_^

Salamat sa lahat ng mga bumabasa...
Ivo Live Encantadia!
May you drop by some comments to keep this Blog active. Comments, Suggestions and Critisism's are highly appreciated. ^_^ Thank's a lot.

No comments: