Friday, November 7, 2008

Neo Encantadia; # 3 Balatkayo at Digmaan

"Halika na ama" ang sambit ni Cassandra...at lumakad na ito palabas ng kwarto...
"tumigil ka! Ipakilala mo ang iyong sarili pashnea! sigaw nito kay Cassandra.
humarap si cassandra kay ybarro at nang humarap ito'y naka-tutok na ang sandata nito sa kanya.
"ama, anung ginagawa mo?" tanong ni Cassandra.
"ibigay mo sa akin ang brilyante ng tubig ng aking alena!...kung ayaw mo'ng itarak ko sa leeg moangsandata ko!" sigaw muli ni ybarro
"matagumpay ka na sana sa plano mo kung hindi mo na ako pinangalanan'g iyong ama...dagdag pa ni ybarro.
ngumiti si cassandra at unti-unting nag-bago ang anyo nito...
"G-Gurna...paanong?..." si ybarro.
"Ahahaha...Oo' hari ng mga sapiryan! isang pag-kakamali para sa akin ang gayahin ang nilalang
na hindi ko lubos na kilala...ngunit tagumpay kay panginoon at sa amin dahil nasa kamay ko na ang brilyante
ng tubig!" Si gurna!
Agad na sumugod si ybarro para atakihin si gurna ngunit mabilis ang huliat itinutok nito kay ybarro ang brilyante ng tubig.
"brilyante nang tubig...ipakita mo ang iyong tunay na kapangyarihan..A-hahaha" sigaw ni gurna.
nag-pasiklab nang kapangyarihan ang brilyante at inatake nito si ybarro. sa kapangyarihan nito'y tumilapon si ybarroat...
"paalam mandirigma nang Sapiro...hayaan mo at kasalukuyan nang pinababagsak nang lipon namin ang iyong pinaka-mamahal na kaharian...hindi ka na mag-tatagal..." matapos mag-salita ay naglaho si gurna.
agad na bumangon si ybarro at dali-daling pinuntahan si wantuk at binuhat nya ito palabas.
Nang maka-labas sya ay kasalubong nya si Arman...
"Amang hari ano po ang nangyari kay Wantuk" Tanong agad ni Arman "Sya ang Solian nang Brilyante ng Tubig at may nangahasna agawin ito sa kanya...huwag kang mag-alala, humihinga pa sya. ang ganito nyang kulay ay dala lamang nang matinding kapangyarihanng brilyante nang tubig." Paliwanag ni Ybarro.
"Opo, ako ang pumili sa kanya para maging Solian ng Brilyante ng tubig!" sambit ni Arman. "sa tatlo pang natitira?..." tanong ni ybarro.
"ako din po ang nag-pasya, Si Mana, ang pinunong dama ni cassandra sa brilyante nang hangin. sa brilyante naman nang lupa ay isang Adamyan'g higit na pinag-kakatiwalaan ni Pinunong Imaw...at Sa Apoy ay ako po'ng inyong lingkod" si Arman.
"teka, di ba't nasa kabilang silid kasama ang dalawang kawal?..." tanong ni Ybarro.
"ngunit ama, kadarating ko lamang at ngayon lang nalaman ang balita." paliwanag ni Arman.
"mag-madali tayo at nanganganib ang brilyante nang Lupa..." sambit ni Ybarro.
at dinatnan nila ang silid ng brilyante nanglupa na wala nang buhay. makikitang naka-handusay sa sahig ang dalawang kawal na pinu-luputan ng mga sanga at napa-lilibutan nang mga halaman.
sa sentro nang silid ay makikita ang isang nilalang nahahawig kay Arman.
"Pangahas kang hawakan ang brilyante nang Lupa at ihawig ang sarili mo sa akin...mag-pakilala ka!" Sigaw ni Arman.
"Mga mahinang nilalang, ikaw ay manahimik at nalalapit na ang pag-tingala mo sa amin." sagot nito. Ako siEynes, alagad ni Kamahalang Arkadya." Si Eynes."anung ginawa mo sa Tagapag-bantay nang brilyante nang Lupa.!?" nagngangalit na tanong ni Arman.
"Ang Adamyan'g tinutukoy mo'y akin nang pinaslang, at tatlo pa sa kasama ko ang gumawa nito sa iba pa'ng mga brilyante..," Paliwanag ni eynes.
"Husto na! Pashnea!!" sigaw ni ybarro habang pasugod sa huli. ngunit nang malapatan ito nang sandata nya ay bigla itong nag-laho.
"hindi ko inaasahang ganito lang kadali ang pag-kuha ng mga brilyante, paalam sa inyo at mag-handa sa inyong kamatayan!" tinig ni Eynes sa kapaligiran.
"patawarin mo kami bathalang Emre, ang iyong ipinag-kaloob ay aming napa-babayaan.
Sunod na pinuntahan nila Arman ang silid ng brilyante nang hangin, ngunit wala na ang brilyante at wala na ring buhay ang solian nitong si mana.
Ang silid nang apoy na pinangangalagaan ni Arman ay dinatnan nilang madilim, isang senyales na wala na rin ang brilyante dito.
"Digmaan" and nasambit nalang ni Ybarro.

Chapter End's here..^_^

No comments: