Ang Devas ang pinaka-sagradong lugar sa Encantadia. kapag oras na o pumanaw ang isang nilalang ngencantadia, ay dito sila napupunta. Dito rin naninirahan angmga maka-pangyarihang bathala ng encantadiakaloob ang bathalang si emre.
Ang Limbo ay sya namang isang lumulutang na lugar na nasa pagitan ng Devas at Encantadia.Bago ka makarating sa Devas ay madaraan mo ang lugar na ito na kung saan ay binabantayan ng isang malaking itim na dragon; si Arde. si Arde ay sinumpa ni Emre na maging dragon sa pakiki-apid nito kay Ether. ang pakiki-apid sa kapwa bathala ay higit na ipinagbabawal.si Ether ay sya rin'g isinumpa ni Emre at sa katauhan naman ng isang ahas. si Ether angsyang namuno at ang Bathaluman ng Etheria.
Noong bata pa ang Encantadia at nang nasa Encantadia pa ang tatlo'ng bathala upang panatilihinang kaayusan sa buong encantadia,isang nilalang nang Encantadia ang nagtangkang mag-himagsik.
kwinestyon nito ang pagiging bathala nang tatlo. at hinikayat nito ang ibang nilalang nang encantadia na kalabanin ang mga bathala.Nang malaman ito ni Arde, ay palihim nyang tinutulungan ang mga ito nakung saan ay sumisira din sa katauhan at imahe ng kapatid nito sa mga nilalang ng encantadia.dahil plano rin nitong mapa-sakamay ang pamumuno sa encantadia at supilin ang bathalang kapatid na si Emre.
Isang Nag-ngangalang Arkadya ang namuno sa lihim na pag-aaklas.nang Magmasid-masid ang bathalang si Emre sa lupain ng Encantadia, ay palihim syang sinusundan nang mga mag-aaklas. may limangpung tauhan ang sumama at nag-pasyang kumitil sa buhay nang bathala kasama na si Arkadya. Sinanay si Arkadya ng palihim ng Bathalang si Arde. kaya malakas din ang loob nito upang kalabanin ang bathala.Sabay-sabay na sumugod ang mga nag-aaklas at nakita agad ito ni Emre.
"patayin sya! huwag mo'ng solohin ang kapangyarihang dapat ay para sa ating lahat!" ang Sigaw nang Karamihan. Gulat na sinalubong si Emre nang karamihan at buti na lang ay nakapag-laho agad ito at sa himpapawid ito pumuwesto.
"Anung kaguluhan ito?" tanong ni Emre.
Hindi siya sinagot nang karamihan at bagkos ay pinatamaan sya nang mga palasong hawak nang mga ito.hindi ordinaryong palaso ang pinakawalan ng mga nilalang dahil pilit nitong sinusundan ang bawat galaw nang bathala. huminto sandali ang bathala at itinaas nito ang kanyang stapa.
"Huminto at mag-mistulang abo sa lupa! Sundin ako!" bigkas ni Emre. naging abo ang mga palasong kanina ay humahabol sa bathala at ito'y naging abo'ng sumama sa hangin.
"at paano kayo nag-karoon ng ganyang mga kapangyarihan aking mga nilalang?" Tanong nang bathala.
"Wala ka nang paki-alam doon at hindi lang ikaw ang may karapatan sa kapangyarihang pilit mo'ng sinosolo!" si Arkadya.matapos nitong magsalita ay tinalon nito si Emre at inatake gamit ang sandata nito.ngunit iwinasiwas lang ni Emre ang hawak na stapa at ang lahat nang mga nag-aaklas ay unti-unting nag-angatan at umikot-ikot himpapawid. si Arkadya ay bumagsak sa lupa.
"Lahat kayo ay binigyan ko nang kalayaan at ito pa ang igaganti nyo sa akin, mga lapastangan at walang utang na loob" galit ni Emre.
Alam ni Emre'ng wala sa matinong kaisipan ang mga nilalang na nag-aaklas dahilan para sa lumutang ang mga ito.kaya ang supilin ang mga ito'y di nya na inisip. ibinaba nya ang mga grupo nang tao sa lupa at nawalan ang mga ito nang ulirat.at nabaling ang atensyon niya sa nag-iisang nananatiling nakatayo si Arkadya.
"Lapastangan ka! ikaw ba ang kumontrol sa mga isip nang mga nilalang na ito!?" Tanong ni Emre."matitikman mo ang higit ko'ng kapangyarihan sa ginawa mo'ng kalapastanganan sa akin!" dagdag pa nito.
Itinaas ni Emre ang Stapa nito at Unti-unting dumilim ang kalangitan.
"Sa pinaka-madilim na hindi ko natamnan nang aking kapangyarihan,sa lugar na mag-dudulot nang higit na hirap at pag-durusa, Sinasamo, Heliades! lumabas ka!" Sambit ng Bathalang si Emre.
At sa madilim na kalangitan ay gumuhit ng paikot ang mga ulap at pumorma ito nang isang bilog at patuloy ito sa paglaki. sa gitna nang bilog ay maaaninag ang isang lugar na makikita lang sa tuwing kumikidlat sa sobrang dilim.
at itinutok ni Emre ang stapa nito kay Arkadya at pinalutang nya ito. at ito'y inilagay nya sa lugar na sinimulang tawagin'g Heliades.
habang nag-sisisigaw si Arkadya ay sinasambit nito ang pangalan'g "Arde, tulong Arde! mag-kasama tayo sa pag-kuha nang trono kay Emre! Tulungan mo ako!" pag-wawala ni Arkadya.
biglang lumitaw si Arde at "Lapastangan ka! nagagawa mo pa'ng siraan ang Pangalan naming mga bathala! Magtigil ka sa iyong kapa-laluan!" sigaw ni Arde.at habang papunta ang katawan ni arkadya sa Heliades ay pinatamaan pa ito ni Arde nang kanyang kapangyarihan at hanggang sa tumilaponna ito sa loob nang bagong dimensyon. matapos maka-pasok ay sumara na ang lugar.
Dahil sa nangyari ay ginawa ni Emre ang Devas at piniling dito na lamang manirahan kasama ang iba pa'ng mga bathala. at simula noon ang mga nilalang nang Encantadia na pumanaw nang mapayapa at malinis ang kalooban ay sa Devas na pumupunta. Taliwas naman sa Heliades, na kung saan ang mga nilalang na pumapanaw nang may galit at hinanakit sa kanilang mga puso ay dito na ang hantungan.
Chapter End's here...^_^
May you drop by some comments to keep this Blog active. Comments, Suggestions and Critisism's are highly appreciated. ^_^ Thank's a lot.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment