Friday, November 7, 2008

Neo Encantadia; # 2 Nakaraan nang Hinaharap

Nang matapos ang malawakang digmaan ng mga diwata laban sa Etheria,nakamit nang Encantadia ang lubos na kapayapaan sa buong lupain.
ang lahat ay nagtulungan upang ibangon ang mga nasirang kaharian. Ang Etheria na naka-tirik sa gitna nang Encantadia ay tinamnan ng bagong kaharian.Tinawag itong Sol at dito matatagpuan ang apat na maka-pangyarihang brilyante ng mga Sang'gre. Napag-pasyahan ng mga pinuno ng bawat kaharian na dito ihimlay ang mga brilyantedahil sa wala na ang mga nangangalaga nito, dahil oras na nang mga Sang'gre at sila'y kinuha na nang Devas.
Binubuo ang Sol nang Anim na palapag. ang unang palapag ay naglalaman ng apat na kwarto, at bawat kwarto ay patungosa isang palapag kung saan nag-lalaman ng isang brilyante ngunit walang spesipikong impormasyon kung anung brilyante ang laman ng isang kwarto. sa pinaka-taas na palapag ng Sol ay matatagpuan din ang Punong mga Historyan, na gumagawa nang mga malawakang desisyon para sa Encantadia.
Ang bawat kwarto ay pinangangalagaan ng isang tinatawag na Solian, may apat na Solian na pinili nang mga Historyan, trabaho nito ang pangalagaan ang brilyanteng inatas sa kanila.Ang Kanilang katauhan ay hindi nalalaman ng sinu man, maliban sa Historyan na nag-talaga dito.Si Arman ang pinuno ng mga Historyan at miyembro naman si Banak at Nakba.
ang kahit na sinong tahasang pumasok sa isa man'g kwarto ay mag-kakaroon ng higit na kaparusahan.at may mga nagsasabing, ang mangahas na pumasok sa mga kwarton'g ito aymaka-raranas ng matinding galit nang brilyante dahilan ng kanilang pag-kamatay.Tanging isa lang Solian ang kini-kilala ng bawat brilyante at kahit ang mga Historyan ay hindi nila kinikilala.
Ang kaharian naman ng Sapiro ay patuloy pa rin'g naging malakas, bagamat hindi na kailangan ay patuloy ang mga itong nag-sasanay sa pakiki-digma upang ipasa sa mga susunod pang henerasyon at panatilihing mapayapaang buong Encantadia.
Ang kaharian nang Adamya at ang kaharian ng Lireo ay nag-patuloy din'g maging mapayapa sa pakiki-pagtulungan sa kaharian ng Sapiro. Nanatiling si Imaw ang namuno sa Adamya, si Cassandra sa Lireo At ang Ylo nitong si Ybarro ang nangalaga saSapiro. Ang Kaharian nang Hathoria na huli'ng isinara ni Pirena ay nanatili na lang na isang yungibat wala nang kahit sino man'g nangahas na pumasok pa dito. Pina-niniwalaang ang mga mapanganib at malalakas na Pashnea lang ang dito'y nanirahan simula noon.
Ngunit. Nag-kagulo ang lahat ng biglang sumara ang una sa isa sa pinto ng Sol at ang Solian nito ay hindi na matagpuan.At nag-dulot ito nang pagbabago sa mundo nang Encantadia. Unti-unting namatay ang mga puno at mga halaman. at unti-unti na rin'g nawawala ang mga pashnea sa kagubatan, natuyo din ang lupa at ang dating lupain na pinamumugaran nang magagandang halaman ay nag-mistulang isang desyerto.
Matapos ay sumunod din'g sumara ang isa pa'ng pinto nito sa Sol, at ang Solian naman nito ay natagpuang patay sa harap ng pinto nito.si Wantuk. Malamig ito at animo'y kulay asul na ang katawan, nasisiguro ni Arman na ginamitan ito nang brilyante nang tubig.
Nang malaman ito ni Ybarro at Cassandra, ay dali-dali ang mga itong nagpasya na di dapat palampasin ang mga ito at nangangailangan nang agarang aksyon.
Napag-pasyahan nila na pwersahin nang pasukin ang mga naka-sarang pinto. nang pasukin ni Arman ang pinto kasama ang dalawang kawal ng Lireo, ay nasaksihan nya ang pag-wawala ng brilyante nang Lupa. ngunit kapiraso lamang ito at ang dinudulot at nilalabas nitong kapangyarihan ay hindi gaanong malakas.ngunit nagagawa pa rin nitong mag-paulan nang mga bloke ng bato at pinatatamaan nito sila Arman kasabay pa nito ang pag-yanig sa lupa at pag-sasamo ng mga Taong Bato.
"Pinunong Arman? hindi po ba kayo isang Solian..." Tanong nang isang kawal habang ito ay umiilag sa mga batong tumatama sa kanila."Sa Solian lang nang brilyante nang lupa aamo ang bato'ng ito...nang pumasok tayo dito, nag-wawala na ito...ibig sabihin wala sa atin ang Solian nya..." paliwanag ni Arman sa mga kasama, habangpilit na nilalabanan ang mga pinakaka-walan ng brilyante."Iisa lang ang naiisip ko....kung buhay pa ang Solian nito'ng brilyante nang lupa..traydor sya!" dagdag pa nito.
sa isa naman'g kwarto kung saan si Cassandra at Ybarro ang pumasok ay natagpuan nilang payapa at tahimik ang paligid.
"Cassandra...ikaw ang Solian ng Kwartong ito? Tanung ni Ybarro kay Cassandra.
"Hindi aking ama, napag-alaman na natin'g si Wantuk ang Solian para sa Brilyante ng tubig...at naisipan ko'ng dalhin ang kanyang espada...baka sakaling maki-lala syang Brilyante...."
Nilapitan ni Cassandra ang unti-unting humihinang brilyante nang tubig at kinuha nya ito sa kinalalagyang kristal.
"Ama, tingnan mo ang brilyante...parang hinati sa gitna..." si Cassandra.
Tiningnan lang ito ni Ybarro at madali na silang kumilos palabas. Hindi pa rin lumalabas sa Himlayan ng brilyante nang lupa sila Arman, kaya pinasok na ito nila Cassandra.


Chapter Ends here...^_^

No comments: