Nag-lakbay sina Arman at Ybarro mula Solian papuntang Lireo. Nang sila'y nag-lalakbay, ramdam na nila ang pag-babago ng kapaligiran at klima nang encantadia. at nabigkas ni ybarro na kailangan na nilang mag-madali. sa kanilang Pag-lalakbay, kasalubong nila angisang nilalang na naka-balot sa tela ang kanyang mukha. tanging ang mga mata lang nito ang makikita.ang nilalang na ito ay may buhat na bata. agad itong nilapitan ni Ybarro at nagsabing...
"sino ka? mag-pakilala ka?" tanong ni ybarro habang naka-tutok sa ulo nang hindi kilalang nilalang ang sandata nito.
"Ama, hindi sya kaaway, nakikilala ko ang kanyang kasuotan." si Arman.
"hindi pa rin tayo dapat manigurado...tanggalin mo ang takip mo sa mukha!" sigaw ni Ybarro.
ihiniga nang lalaki ang bata sa paanan nito at tinanggal nito ang takip nito sa mukha.
"Irdeo!" bulalas ni Arman.
"kayo po siguro si Haring Ybarro, paumanhin po." si Irdeo sabay luhod nito sa harapan ni Ybarro.
"arman, sino ang nilalang na ito, tumayo ka na." si Ybarro.
"akala ko ay napatay kana rin nila...ama, sya po ang pinag-kakatiwalaang alagad ni pinunong Imaw...sya si Irdeo.sya din po ay isang Solian na nag-babantay nang brilyante nang lupa..." paliwanag ni Arman.
"ikinagagalak ko po kayong makilala Hari'ng Ybarro. ako po'y isang Adamyan at kalahating diwata...kaya po ang katauhan ko'y hindi kaiba sa inyo." si irdeo.
"ikinalulungkot ko din po pala ngunit pumanaw na po ang pinunong imaw...sinugod po ang Adamya nang akoay umalis mula sa isang misyon'g kanyang pinag-katiwala. nasira na po ang Adamya at wala na po itong buhay nang dumating ako doon...hmp, hindi ko man lang nai-pagtanggol ang kaharian namin at ang pinunong imaw, pati na rin ang mga kapwa ko adamyan...patunayan ko sa kanilang hindi mahina ang adamya at nabibilang ito sa malalakas na kahariandito sa encantadia kagaya nang sa Lireo..." si Irdeo muli habang tumutulo ang mga luha nito sa mata.
"sama-sama nating ipag-tatanggol ang buong Encantadia Irdeo!" si Arman.
"Pashnea! sino ba ang mga palalong gumagawa nito sa atin!" bulalas ni Ybarro.
"ama, na po ang gagawin natin?" tanong ni Arman.
"kailangan natin'g unahin at puntahan na ang lireo, hindi tayo kailangan'g mag-aksaya pa nang oras. atisa pa, wala na ang lahat nang brilyante sa ating mga kamay..." si Ybarro.
Binuhat muli ni Irdeo ang bata'ng dala-dala nya. at saka ito lumapit kay Ybarro.
"Haring Ybarro, Malaki po ang pasasalamat ko kay pinunong imaw, isinakripisyo nya poang kanyang buhay upang mailigtas ang mga brilyante..." si Irdeo.
"Ano ang tungkol sa mga brilyante?...maaari mo ba sa amin itong isalaysay?" si Ybarro muli.
"Opo, haring Ybarro...Noong nakaraang pinaka maliwanag ang buwan, nag-mamadaling lumabas nang kanyang stasyon ang pinunong imaw...nilapitan ko syaat tinanong ko kung saan ito pupunta...ngunit, sinabi lamang nito na ako'y mag-hintay sa kanyang silid at babalikan din nya ako dahil may importante lamang syang sasabihin sa akin...makalipas ang ilang sandali ay bumalik na ang pinuno at dali-dali nya akong kinausap...sinabi nya sa aking naka-usap nya ang mahal na bathalang Emre at may mahalaga itong sinabi sa kanya...sa loob daw nang tatlong pag-litaw nang araw ay manganganib ang Encantadia. dahil isa itongbabala mula sa Bathala ay agad kaming kumilos nang pinuno...iyon lang ang impormasyong sinabi nang Bathalang emredahil tinitingnan nito nang patas ang lahat nang mga nilalang nang encantadia...at naintindihan naman ito ng pinunong imaw...Nang Oras din'g iyon ay ipinahiram sa akin nang pinuno ang kalahati sa kanyang kapangyarihan...at binigyan nya rin ako nangstapa at kanya itong binasbasan...nang malaman nya na nasa panganib ang Encantadia, ang mga brilyante agadang naisip nya. at inutusan nya akong hatiin ang mga ito sa dalawa...sa kapangyarihang binigay nang pinuno, nagawa ko'ng maka-punta nang Solian nang hindi nakikita...ngunit hindi pa rin ako ligtas sa pakikipaglaban sa mga Brilyante. at dahil sainiba nang pinunong imaw pansamantala ang aking hitsura dahilan upang walang maka-kilala sa akin, pati ang inaalagaan ko'ng brilyante ay kailangan ko na di'ng labanan...ang brilyante nang lupa. Nang makuha ko na ang mga kalahati nang bawat brilyanteay agad na akong umalis pabalik nang adamya...ngunit wala na ito nang bumalik ako...haring Ybarro tanggapin nyo po ang mga ito..." Salaysay ni Irdeo habang sila ay nag-lalakbay, at iniabot nito kay Ybarro ang isang sisidlan.binuksan ito ni Ybarro at nakita nito ang kalahati nang apat na brilyante. at inilagay na ito ni ybarro sa kanyang sisidlan atnagsabing..."salamat Irdeo. may pag-asa ang Encantadia."
"Ama malapit na tayo sa Lireo..." si Arman.
nang papalapit na ang tatlo sa kaharian nang Lireo ay hindi nila inaasahan ang kanilang nasaksihan.isang lipon nang mga pashnea ang sa kaharian ay nag-kalat.
Chapter End's Here... ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment