Napuno nang mga Lumilipad na Pashnea ang loob nang kaharian nang Encantadia at sa labas naman ang mga pashneang lumalakad at gumagapang.
"peste talaga ang mga to'..." si Irdeo habang lumilibot sa buong kaharian para puntahan ang mga rebulto nang mga mahal na sanggre.
"mag-iingat kayong lahat at ikaw din Irdeo! ang mga lumilipad na pashnea ay nang hihigop nang dugo..." Sigaw nang isang kawalnang madaanan ito ni Irdeo.
"Salamat kaibigan..." ang sabi nang huli.
Nagmamadaling pumasok nang kaharian si Irdeo at nasaksihan nya ang mga walang buhay na katawannang mga Diwatang Kawal na naka-handusay sa sahig. Ipinikit ni Irdeo ang kanyang mga mata at nag-patuloy na sya sa kanyang pakay...nagtungo sya sa Timog na bahagi nang kaharian kung saan matatagpuan ang rebulto nang dakilang SanggreDanaya. nang papalapit na sya dito ay napa-hinto sya, dahil ang dati nitong mala-kulay lupa ay naging kulay abo na.
"Sanggre Danaya?..." Sambit ni Irdeo at hinawakan nito ang mga paa nang rebulto. nang gawin nya ito ay napulbos ang bahagi nangkatawan na kanyang hinawakan.
Gulat na gulat ito sa nangyari at nag-mamadali itong umalis palayo.
"tulungan mo kami, mahal na Sanggre Danaya..." Sambit nito bago sya tumakbo paalis.
Dali-dali syang tumungo papunta sa Silangan'g bahagi, sa rebulto ni Sanggre Pirena. nag-mamadali nya itong nilapitan at nakita nya rin ang sinapit nang rebulto nito...ang dating kulay pulang rebulto ay nahalintulad na sa isang animo'y buhayna bato na kulay abo. sa takot, ay hindi nya na ito hinawakan man lang, dahil baka magaya ito sa rebulto nang Sanggre na una nyang hinawakan. Umalis na ito agad. at unti-unti na naman'g tumulo ang mga luha sa mata nya na agad nyang pinahid.nag-mamadali nyang tinungo ang Kanlurang bahagi kung saan naka-lagay ang rebulto nang Sanggre Alena. at gaya nang sa dalawang rebulto, ang kulay berde nitong anyo ay kulay abo na rin. Hindi na alam ni Irdeo ang gagawin at ikinakatakot nyang baka huli na sila...at tinungo nya na ang Rebulto sa Timog, ang rebulto ni Sanggre Amihan.
"Ebener! Lumabas ka,..." Sigaw ni arman, matapos itong pumito. at sa kalangitan ay lumitaw mula sa himpapawid ang isangbatang dragon.
"Nuaaarrkkkkkkk!!!" sigaw nang Dragon.
"Ebener! bugahan mo nang apoy ang lahat nang mga lumilipad na pashnea, tulungan mo rin ang ibang kawal sa pakikidigma!..." utos ni Arman sa alaga.
"Quaaarrrkkkk!!!" ikinampay nang dragon ang kanyang mga pakpak at nag-sitalsikan ang ibang mga pashnea. bumuwelo ito habang umuusok ang mga ilongat pwersahan nitong inilabas ang nag-babagang mga apoy nito mula sa bibig. halos matusta ang lahat nang mga pashneang tinamaan nito. ang ibang pashneana hindi inabot ay napinsala pa rin nang apoy nito.
"Magaling Ebener! Magaling!" pansamantalang masayang sabi ni Arman. isang kalaki nyang pashnea ang papalapit sa likod ni arman. akma nitong atakihin ang huli...at nang papalapit na ito sa likod ni Arman ay bigla na lang itong bumulagta sa lupa at namatay.at ibinaba na ni Arman ang sandata at "hindi ako sinanay nila Ashti Pirena at Ashti Danaya para lang sa wala..." sambit ni Arman.
"Hahahaha, masyadong maliit ang pashneang yon para ikay makitil magiting na mandirigma..." tinig nang isang nilalang.
Nilingon ni Arman ang nag-salita at... "Pashnea! sino ka! mag-pakilala ka!" galit ni Arman.
"isa ako sa magiting na Pantom nang dakilang Arkadya...si Alcides...O' natigilan kana yata...ang aking kagandahan ba ang sanhi nyan?..." Pang-aakit pa nito habang hinahawakan ang likod nang huli.
Umikot si Arman at agad na itinutok ang espada nito sa kausap, gulat naman ang pantom. "nandito ka nga sa nag-mamabuting encantadia, ngunit ang asal mo'y hindi akma sa isang magiting na nilalanglalo pa sa katulad ko'ng magandang babae..." pang-aasar pa nito.
"husto na!" sigaw ni Arman at pasugod na inatake nito ang babae, ngunit iniiwasan lang sya nito at patuloy ang pagtawa."A-hahahahaha, hindi ko inaakalang ganito lang ang aabutan ko, hindi naka-pagtatakang masakop namin ang buong Encantadia saloob lamang nang ilang sandali..." si Alcides, natapos mag-salita ay tumalon na ito at dumistansya kay Arman.
Napagod si Arman sa ginawa at...
"hangal kayo!" sigaw muli nito at sumugod ito ulit.
"mukhang gusto mo talagang sapitin ang kamatayan nang maaga mandirigma! ikagalak mo ang iyong sarili dahil sa kamay ko, masasapit mo angpag-durusa...A-hahaha!" at madali nitong inilabas ang isang mahabang karit na doble ang taas sa kanya, ang dulo nito ay nalalagyan nang isangkadenang bakal na nakapulupot sa kanyang baywang, at sinalubong nito si Arman.
Patungo si Ybarro sa bulwagan nang Lireo, papalapit palang si Ybarro at naririnig na nya ang tunog nangmga espada. nang sapitin nya ang bulwagan ay nakita nitong humihingal si cassandra habang hawak nitong nakatutok sa mga kalaban ang kanyang espadang ibinigay nang kanyang ina.
sa paligid nya ay naka-handusay ang napakaraming mga patay nang pashneang kanyang nilabanan...
"C-Cassandra! anong nangyari dito?..." Tanong ni Ybarro at dali-dali itong lumapit kay Cassandra.hindi pa rin gumagalaw si Cassandra hanggang sa tumulo na lang ang mga luha sa mga mata nito...
"Ylo, nahihiya ako, nahihiya ako sa Encantadia...hindi ko ito nagawang protektahan...hmmp.." Sambit ni Cassandra habang tumutulo angmga luha sa mata niya.hinawakan ni Ybarro ang kamay nang Sanggre at nag-wikang...
"hindi Cassandra, hindi. laging may pag-asa ang Encantadia...gagabayan tayo nang mga Bathala, ang iyong ina, at ang mga mahal natingmga Diwata...tandaan natin yan." si Ybarro, at ito ay tumingin nang may pag-aalala sa paligid.
End of Chapter...^_^
(After my Board Exam i will try to post my drawing's on the new character's,
so that you can see what do they look like...^_^)
Ivo Live Encantadia...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hello Neo!! galing mu talagang magsulat! keep it up!!
Ako toh si Livewithit ng igma :)
Post a Comment